^

Probinsiya

Gun-for-hire na nakapatay ng 3 parak, arestado

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Nasakote ng pulisya ang 54-anyos na most wanted sa region 2 na sinasabing miyembro ng gun-for-hire group na nakapatay ng tatlong pulis sa Isabela matapos itong matunton sa kanyang lungga sa Barangay Colubot,  bayan ng San Manuel, Tarlac noong Lunes.?

Sinabi ni Cagayan Valley Police Director P/Chief Supt. Mario Espino, naaresto si Ronnie dela Cruz na kabilang sa sindikato ng dating mayor sa Isabela matapos isilbi ng pulisya ang warrant of arrest sa kasong murder, frustrated murder at carnapping na ipinalabas ni Judge Isaac De Alban ng Ilagan City Regional Trial Court sa Isabela.?

Ayon kay Espino, ang grupo na kinabibilangan ni Dela Cruz ay ginagamit ng dating alkalde sa pagliligpit ng mga kalaban nito sa pulitika.

Sa ngayon ay nakabin­bin din sa korte ang iba pang kasong kriminal na tumutukoy sa mayor na patuloy pa ring nakakalaya.

Kabilang sa mga napatay ng grupo ay sina P/Insp. Jelowie Antonio at PO3 Jaime Manaligod na kapwa kasapi ng Isabela Police Intelligence Branch na inambus habang nagsasagawa ng surveillance sa bayan ng Gamu noong 2010.?

Nang sumunod na taon na itinumba rin ng grupo si SPO2 Rovielle Laggui ng Isabela Police Manuever Platoon na noon ay kasamang nang-raid sa safe house ng mayor sa pareho ring bayan noong 2011.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with