^

Probinsiya

3 sundalo sugatan sa landmine

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Tatlong sundalo ang nasugatan makaraang masabugan ng landmine sa Sitio Lawaan, Barangay Kingking Pantukan, Compostela Valley Province kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga sugatan na sina Corporal Michael P. Tabanao, PFC Albert R Cahepe, at si PFC Jerome C Peñaranda, mga nakatalaga sa 46th Infantry Batallion ng Philippine Army.

Batay sa report, naganap ang insidente bandang alas-5:30 ng umaga habang pabalik ang mga sundalo sakay ng KM 450 military vehicle sa kanilang kampo mula combat ope­ration.

Kaagad dinala ang mga sugatang sundalo sa ComVal Provincial Hospital bago inilipat sa Davao Regional Medical Center sa Tagum City.

Nilinaw naman ng mga opisyal ng militar na sa kabila ng pangyayari, hindi sila natitinag at magpapatuloy sa kampanya laban sa teroristang NPA.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with