^

Probinsiya

Trader itinumba sa harap ng 3 anak

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Bulagta ang 34-anyos na negosyanteng babae matapos itong ratratin ng mga hindi kilalang lalaki sa harap ng kanyang tatlong anak sa compound ng St. John the Babtist Parish Church sa Barangay San Juan, Tabaco City, Albay noong Linggo ng gabi.

Napuruhan ang biktimang si Joan Calla Cere­za, tubong bayan ng Malinao at kasalukuyang nakatira sa likurang bahagi ng simbahan sa nasabing barangay.

Base sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, dakong alas-9:40 ng gabi habang nagpa-parking ng kanyang kotse ang biktima sa compound ng simbahan kasama ang tatlong anak nang lapitan at pagbabarilin ng gunmen.

Nang masigurong patay na ang biktima, tumakas ang gunmen lulan ng itim na SUV patungo sa direksyon ng Ligao City.

Sinisilip ng pulisya ang anggulong may kinalaman ang pamamaslang sa kasong isinampa sa korte ng biktima laban sa kanyang nakaalitan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with