^

Probinsiya

Negosyante inutas ng kapitbahay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE  , Philippines  — Napaslang ang isang 57-anyos na negos­yante matapos itong saksakin ng kanyang kapitbahay kaugnay sa kailang alitan kamakalawa ng gabi sa Trece Martirez City, Cavite. Hindi na umabot pa ng buhay sa pagamutan ang biktimang si Efren Creencia, may asawa, ng Purok 3, Barangay Hugo Perez sa nasabing lungsod. Arestado naman ang suspek na si Jordan Pasagui, 20, binata, ng Block 1, Lot 22, Phase 1, Karlaville Subd. sa nasabing barangay. Sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, nagtungo ang biktima sa bahay ng suspek upang makipag-usap kaugnay sa umano’y isyung namamagitan sa kanilang dalawa. Gayunman, pagbukas  ng pinto ay sinalubong ang biktima nang sunud-sunod na saksak ng suspek. Tinangkang tumakas ng suspek subalit agad din itong naaresto ng mga barangay tanod at dinala sa pulisya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with