^

Probinsiya

16-anyos kisay sa kuryente

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines  — Kamatayan ang sinapit ng 16-anyos na lalaki makaraang makuryente habang nanghuhuli ng gagamba sa bayan ng Kawit, Cavite kamakalawa ng hapon. Patay agad ang batang biktimang si Edison Caratay ng Block 18, Lot 17, Pinagkaloob 1 sa Barangay Toclong sa nasabing bayan. Batay sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, nagtungo ang biktima sa madamong bahagi ng bakuran sa nasabing lugar upang manghuli ng gagamba.

Subalit napakapit ito sa talop na kable ng kuryente sa bakuran ng bahay. Nangisay ang biktima at bumulagta kung saan naisugod naman sa pagamutan subalit namatay din ito habang ginagamot. Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang may-ari ng bakuran para managot sa nasabing insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with