^

Probinsiya

81-anyos lola nilooban, tinangkang gahasain ng adik!

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  — Kalaboso ang pinaniniwalaang lango sa droga na estudyante matapos na maaktuhang pinagtatangkaan pang gahasain ang isang 81-anyos na lola na kanyang nilooban sa Brgy. Borono, Tagudin, Ilocos Sur noong Sabado ng madaling araw. ?

Sa report na ipinalabas ni Chief Insp. Winnie De Vera, tagapagsalita ng Ilocos Sur Police; huli pa sa akto ng mga nagrespondeng pulis si Joel Dolez Gabatin, 23, na inaalis ang diaper ng paralitikong biktima na noon ay patuloy na humihiyaw ng saklolo.?

Isang heat sealed plastic sachet ng shabu ang nasamsan ng mga pulis sa bulsa ni Gabatin nang maaresto dagdag ni De Vera.?

Sinabi ni Sr. Insp. Joel Castillo, hepe ng pulisya sa kalapit bayan ng Sta. Maria kung saan nakatira si Gabatin na tinangay ng huli ang motorsiklo ng kanilang kagawad na si Edwin Acosta sa Brgy. Cabaroan ng gabi bago siya nasakote sa Tagudin. ?

Ayon kay Castillo, wala namang criminal record si Gabatin subalit inamin ng mga opisyal sa kanyang barangay na mayroon siyang suliranin sa pag-iisip na animo’y sinasaniban ng masamang espiritu kapag nabuburyong at posibleng bumabatak ng ilegal na droga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with