^

Probinsiya

Tulak bulagta sa buy bust

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  — Bulagta ang isang tulak ng droga matapos makipagbarilan sa mga pulis habang arestado naman ang dalawa nitong kasama sa inilatag na buy-bust operation sa Purok 1, Brgy. Layon sa Ligao City, lalawigang ito kamakalawa ng gabi.

Naisugod pa sa Josefina Belmonte Duran Memorial Hospital pero idineklarang patay ang suspek na kinilalang si Walfredo Hidalgo, ng Brgy. Inamnan Grande, Guinobatan habang nagtangkang tumakas pero agad naaresto ang mga kasama nitong sina Lorin Opida, 38 anyos at Paul Padilla, 32 anyos, kawani ng munisipyo ng Guinobatan.

Sa report sa Camp Gen. Simeon Ola, dakong alas-6:15 ng gabi nang ilatag ng mga pulis ang buy bust operation laban sa mga suspek sa compound ng bahay ni Opida. Gayunman, nang iniabot na ni Hidalgo ang 9 na piraso ng plastic sachet ng shabu kay PO2 Nicolo Remoral na umaktong poseur-buyer ay nakahalata ang suspek at bumunot umano ng baril at saka pinaputukan ang mga operatiba na naging sanhi ng engkuwentro. 

Maliban sa 9 na sachet ng shabu na unang nabili, nabawi pa sa mga kasama ni Hidalgo ang 17 sachet ng shabu, mga drug paraphernalias at isang kalibre 45 baril.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with