^

Probinsiya

‘Most wanted’ utas sa shootout, 2 parak sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang “most wanted person”  ang napatay habang dalawang pulis ang na­sugatan matapos na magka-engkuwentro nang manlaban ang una habang sinisilbihan ng warrant of arrest sa Brgy. Manlocahoc, Sipalay City, Negros Occidental nitong Huwebes.

Ang suspek na nasawi habang isinusugod sa ospital na nakilalang si Emerson Antepaso Jr. Siya ay “number 1 most wanted” na kriminal sa lungsod ng Sipalay.

Kinilala naman ni Police Regional Office (PRO) 6 Spokesman Supt. Gilbert Gorero ang dalawang na­sugatang pulis na kasapi ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 6 na sina PO2 Joy Pabera, nagtamo ng sugat sa dibdib at PO2 Armando Arsenal na bahagyang nasugatan sa ulo.

Nabatid na dakong alas-12:25 ng tanghali habang isinisilbi ng mga elemento ng Sipalay City Police ang warrant of arrest laban kay Antepaso sa kasong murder nang salubungin nito ng mga putok ng baril ang mga alagad ng batas na nauwi sa shootout hanggang sa masapol ang suspek.

Ayon kay Gorero, ang dalawang pulis ay binisita na ni Police Regional Office (PRO) 6 Chief P/Chief Supt. Cesar Hawthorne Binag sa Sipalay City Hospital at pinarangalan na rin sa ipinakitang katapangan sa pagtupad sa kanyang tungkulin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with