^

Probinsiya

2 Abu Sayyaf dedo sa sagupaan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muli na namang nalagasan ng miyembro ang teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) nang mapatay ang dalawa pang kasapi nito makaraang makasagupa ang tropa ng militar sa Brgy. Latih, Patikul, Sulu, Huwebes ng umaga.

Ayon kay Brig. Gen. Cirilito Sobejana, commander ng Joint Task Force (JTF) Sulu, alas-12:00 ng tanghali nang makasagupa ng 2nd Special Forces Battalion ng Philippine Army ang nasa mahigit 30 armadong Abu Sayyaf sa kagubatan ng nasabing lugar na pinamumunuan ni ASG sub-leader Sukara Inggug na sangkot sa kidnap-for-ransom at may hawak sa ilang hostages sa lalawigan.

Ayon kay Sobejana, tumagal ang bakbakan ng halos 40 minuto na ikinasawi ng dalawang miyembro, isa rito ay nakilalang si Roger Samlahon.

“They found a dead body lying in the area of encounter, who was later identified by the barangay officials in the community as a certain Roger Samlahon, a notorious Urban Terrorist Group member who was involved in snatching of kidnap victims in Jolo Proper,” ani Sobejana .

Narekober sa pinangyarihan ng bakbakan ang isang rifle na R4Ae at isang M203 grenade launcher, dalawang magazine na may mga bala, dalawang cellphone at isang backpack na naglalaman ng mga personal na kagamitan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with