^

Probinsiya

Motorbike vs. trak: 1 patay, 2 malubha

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa Cotabato Regional and Medical Center o CRMC ang isang tubero habang nasa kritikal na kondisyon  ang kanyang dalawang kasama matapos salpukin ng nakasalubong na 4x4 off-road truck ang kanilang sinasakyang motorsiklo kamakalawa sa bahagi ng Brgy. Pigcalagan, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Kinilala ang nasawi na si Ronald Susi, 50, ng Brgy. Presbitero, Pigcawayan, North Cotabato habang nasa malubhang kalagayan sina Zaldy Susi at ang driver ng motorsiklo na nakilala lamang na si Arandilla.

Ayon sa salaysay ng pinsan ng dalawang biktima na si Ramon Susi, dakong alas-4 ng hapon habang papauwi na sa kanilang bahay ang tatlo mula sa kanilang trabaho sa Cotabato City nang mangyari ang insidente. Tumilapon umano sa motorsiklo ang tatlo na ikinasawi ng isa sa mga biktima.

Nabatid na nag-overtake sa sinusundang sasakyan ang nasabing truck dahilan upang sumalpok ito sa papaakyat na motorsiklo ng mga biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with