^

Probinsiya

63-anyos lola pumalag sa rape, pinagtataga

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGASPI CITY, Albay, Philippines — Isang  63-anyos na lola at mister nito ang malubhang nasugatan matapos silang pagtatagain ng isang suspek makaraang pumalag sa tangkang panggagahasa sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Calao sa bayan ng Prieto Diaz, Sorsogon kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Gloria Neo Ollet at asawang si Santiago Ollet, kapwa residente ng nasabing barangay habang nakatakas naman ang suspek na si Alexander Demonteverde Sicad Jr.

Sa ulat na nakarating sa Camp Gen. Simeon Ola, dakong alas-11:45 ng gabi, habang nasa kasarapan ng tulog ang lola sa loob ng kanilang kuwarto nang maram­­­daman nito na hinuhubaran siya ng damit ng suspek at nakita pa ang suspek na nakahubad.

Gayunman, nagtangkang manlaban ang lola at nagtangkang sumigaw sa tangkang panggagahasa ni Sicad kaya pinagtataga siya sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Dumating naman ang asawang ng ginang na si Santiago pero pati siya ay tinaga sa ulo ng suspek at saka mabilis na tumakas.

Kapwa nagpapagaling ang mag-asawa sa Sorsogon Provincial Hospital habang patuloy na pinaghahanap at inihahanda ang kaso laban sa suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with