^

Probinsiya

6 pang Abu todas sa bakbakan

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon
6 pang Abu todas sa bakbakan

Ayon sa ulat mula sa Maluso Police Station, nakasagupa ng mga kasapi ng 68th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army na pinangu­ngunahan ni 1Lt. Morallos ang hindi pa natukoy na bilang ng mga bandido.  File

MANILA, Philippines — Bumulagta sa gitna ng bakbakan ang anim pang miyembro ng mga tero­ristang Abu Sayyaf sa ikinasang military operations ng tropa ng militar, nitong Sabado ng umaga sa bahagi ng Sitio Kichen, Barangay Muslim Area, Maluso lalawigan ng Basilan.

Ayon sa ulat mula sa Maluso Police Station, nakasagupa ng mga kasapi ng 68th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army na pinangu­ngunahan ni 1Lt. Morallos ang hindi pa natukoy na bilang ng mga bandido.

Nagsasagawa umano ng combat operation ang militar sa lugar nang makasagupa nila ang grupo.

Nabatid na sa isinagawang clearing operation ng mga sundalo, isang cadaver ang kanilang nakuha at ang isang unit ng M14 rifle.

Kasama rin sa mga nakuha sa lugar ay ang magazine at mga bala ng iba’t ibang mga baril at mga war materials.

Nagpapatuloy ang pursuit operation ng militar laban sa mga tumakas na terorista.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with