^

Probinsiya

MILF vs MNLF: 4 patay

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO  , Philippines  — Apat katao ang naiulat na nasawi makaraang sumiklab ang bakbakan ng dalawang pangkat ng Moro Islamic Liberation Front o MILF at Moro National Liberation Front o MNLF sa Sitio Kisupit, Brgy. Marbel sa bayan ng Matalam, North Cotabato.  Sa ulat ni PCI Sunny Rubas Leoncito, hepe ng Matalam PNP nagsimula ang labanan dakong alas-10:30 ng gabi nitong Biyernes hanggang kahapon ng hapon. 

Sa tatlong araw na sagupaan, may apat na mga armadong kalalakihan na ang nasawi.  Nag-ugat ang nasabing engkwentro dahil sa ‘rido’ o clan war matapos na nag-retaliate ang grupo ni MNLF Kumander Manial sa grupo ni MILF Kumander Manzur.  Dahil ang kapatid umano ni Manial ay pinatay ng mga tauhan ni Manzur. Nitong Sabado ng umaga, muling nagkabakbakan naman sa Purok 4 at Purok 8 ng Brgy. Kidama ng nasabing bayan na may kaugnayan sa bakbakan na nangyayari sa Brgy. Marbel.  Sa ngayon patuloy ang negosasyon ng lokal na pamahalaan at ng Local Monito­ring Team upang humupa ang labanan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with