^

Probinsiya

Mag-utol, 2 pa timbog sa drug-bust

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY  , Philippines  — Swak sa selda ang magkapatid na hinihinalang mga tulak ng droga at dalawan pang babae makaraang masakote ang mga ito sa drug-bust sa Purok Buklod Pagkaka­isa, Brgy. Cotta, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Supt.Vicente Cabatingan, ang mga dinakip na magkapatid na sina Ronald at Francis Mandac, edad 36 at 42, Melinda ‘Tita Nitz’ Caringal, 60 at Annabelle Avenis, 37, pawang mga residente ng barangay Cotta. 

Ayon kay Cabatingan, dakong alas 6:55 ng gabi nang isagawa ng isa sa mga operatiba ng Lucena PNP-DEU ang pakikipagtransaksyon kay Ronald at Tita Nitz. Nang aktong nag-aabutan na ng hinihinalang shabu ay doon na inaresto ang dalawa at sa loob ng bahay ay nasakote rin ang dalawang iba pa na aktong gumagamit ng droga .Sa kabuuan ay aabot  sa 2.5 gramo, P500 marked money at drug paraphernalias ang nakumpiska buhat sa mga suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with