^

Probinsiya

Road mishap: 14 sugatan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  —Nasa labing-apat na katao ang sugatan matapos araruhin ng isang Toyota Vios ang dalawang traysikel at dalawang motorsiklo sa highway ng Barangay Pug-os, Cabugao, Ilocos Sur, kamakalawa. ?Sinabi ni PO3 Prospero Cardenas na nakaidlip habang nagmamaneho ng kotse (UQD4744) ang medical representative na si Jester John Almero, 25, nang makasalpukan ang kasalubong na mga sasakyan dakong alas-12:00 ng tanghali. ?

Ang drayber ng traysikel na si Jorly Salarzon, 52, riders na sina Arjay Sapon, 20, Santiago Sumicbay, 54 at 11 pang mga pasahero ay itinakbo ng mga sumaklolo sa iba’t-ibang pagamutan.  Ayon kay Cardenas, tanging ang drayber ng isang traysikel na si George Aganad, 51, ang himalang hindi man lang nagalusan. Inaresto ng mga nagrespondeng pulis si Almero matapos ang insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with