^

Probinsiya

Sundalo sugatan sa roadside bombing

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

KIDAPAWAN CITY , Philippines  — Sugatan ang isang drayber na sundalo matapos na masabugan ang sinasakyang nilang convoy sa National Highway ng Purok 8, Brgy. Poblacion, Pres. Roxas, North Cotabato.  Nakilala ang biktima na si Corporal Roel Padolina nakatalaga sa 19th Infantry Battalion, Philippine Army.  Ayon kay Supt. Bernard Tayong, tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office, nangyari ang pagsabog dakong alas-8:15 ng gabi, kamakalawa. 

Batay sa ulat, galing ang convoy ng 19th IB sa bayan ng Arakan, ngunit nang makarating sila sa Purok 8, Barangay Poblacion, President Roxas, North Cotabato ay biglang sumabog ang isang landmine sa gilid ng national highway. Dahil sa lakas ng pagsabog, tinamaan si Padolina, na agad namang dinala ng kanyang mga kasamahan sa Cotabato Provincial Hospital sa Amas, Kidapawan City.  Itinurong suspek sa pagpapasabog ang mga miyembro ng Guerilla Front Committee 53 ng New Peoples Army (NPA).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with