^

Probinsiya

580 bagong parak isasabak vs NPA

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  — Nagtapos ang 580 bagong miyembro ng pulisya na isasabak laban sa mga New People’s Army (NPA) kasunod ng isinagawang seremonya sa Camp Marcelo Adduru rito noong Huwebes.?

Sinabi ni Supt. Chevalier Iringan, tagapagsalita ng Cagayan Valley Police Office, nakatakdang sumailalim ang “Nasirib” class of 2018 sa tatlong buwang paghahasa sa Basic Internal Security Operations Course (BISOC) na nakatuon sa mga operasyon laban sa mga Komunista. ?

Matatandan na noong nakaraang linggo, itinalaga rin sa Cagayan ang isang batalyon ng Philippine Marines upang pulbusin ang NPA sa kanilang mga lungga sa walong bayan na nasa gilid ng Pacific Ocean.?

Sinabi ni Northern Luzon Command Chief Lt. Gen. Emmanuel Salamat na napapanahon na upang tapusin ang problema ng insurhensiya sa Cagayan na isa sa dalawang huling lalawigan kasama ng Abra na tinaguriang NPA stronghold sa Luzon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with