^

Probinsiya

Mister nilapa ng buwaya!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit na kamatayan ng isang mister matapos na lapain ng isang mabangis na buwaya sa ilog ng Balabac, Palawan kamakalawa.

Ayon kay Chief Inspector Imelda Tolentino, Spokesperson ng Police Regional Office (PRO) IV-B, natagpuan ang halos kahalati na lamang ng gutay-gutay na katawan ng biktimang si Rebente Ladja, 37 anyos sa may bakawan sa Sitio Tokanigalo, Brgy. Catgupan ng nasabing bayan.

Nabatid na nagpaalam ang biktima sa kanyang pamilya noong Martes na maglalagay lamang ng silo sa alimango sa may ilog dakong alas-6 ng umaga pero umabot ang gabi ay hindi na siya nakauwi pa.

Agad namang humingi ng tulong ang pamilya ng biktima sa mga barangay tanod na humanap sa nawawalang mister. Nagulantang nang tumambad sa kanila ang halos nangangalahati na lamang na katawan ng biktima matapos sakmalin at lapain ng mabangis na buwaya.

Magugunita na may ilang buwan pa lamang ang nakalilipas  ay nilapa rin ng buwaya ang 12-anyos na dalagitang pamangkin ng biktima habang tumatawid sa ilog sa nasabing lugar.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with