^

Probinsiya

157 loose firearms sa Zamboanga, isinuko

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 157 loose firearms o mga baril na walang kaukulang lisensya ang isinuko ng mga lokal na opisyal sa lungsod ng Zamboanga kamakalawa.

Ang mga isinukong mga armas ay iprinisinta kina AFP-Western Mindanao Command (AFP-Westmincom) Commander Lt. Gen. Carlito Galvez Jr. at Zamboanga City Mayor Ma. Isabelle Climaco-Salazar sa isinagawang ceremonial turnover na ginanap dakong alas-2:30 ng hapon sa Camp Navarro, Calarian sa  Zamboanga City.

“Barangay officials from Arena Blanco,Tigtabon, Mercedes, and Cabaluay yielded the said firearms to military and police units as an offshoot of the sustained campaign against the proli­feration of unregistered and loose firearms,” pahayag ni  Colonel Leonel Nicolas, Commander ng  Task Force Zamboanga. 

??Ang mga isinukong armas ng mga opisyal ay bahagi ng kampanya kontra sa hindi rehistradong mga armas.

??Kabilang naman sa mga isinuko ay 92 shotguns, 28 M1 garand rifles, isang M16 rifle, 15 9mm pistols, 8 Caliber Revolvers, 11 Caliber .45 pistols, isang Caliber .22 pistol at isang 66mm HE Rocket Launcher.

??Sa kanyang mensahe, nagpasalamat si Galvez sa lahat ng mga lokal na opisyal ng Zamboanga sa pangunguna ni ­Mayor Climaco-Salazar sa patuloy na pagtitiwala at pakikipagtulungan sa Western Mindanao Command na isulong ang kampanya para disarmahan ang armadong grupo sa Zamboanga-Basilan-Sulu-Tawi-Tawi area.

??Sa tala  mula Enero 1  hanggang Pebrero 21 ng taong ito, umaabot na sa kabuuang 257 ang mga narerekober na mga loose firearms mula sa iba’t ibang lugar na nasasakupan ng AFP  Western Mindanao Command.

Samantalang base sa tala ng PNP, umaabot sa 29,480 ang mga loose firearms pero dahilan sa mahigpit na kampanya laban sa loose firearms ay nasa 25,245 na lamang ang target.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with