^

Probinsiya

Road mishap: 3 tepok

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Tatlong katao ang natigok sa magkasunod na road crash sa Isabela at Ilocos Norte kamakalawa.

Dead-on-the-spot ang tricycle driver na si Samson Canceran, 21 at pasaherong si Crispin Dela Cruz, 32, nang tumbukin ng kasalubong na ten wheeler truck na minamaneho ni Edmar Lorenzo sa highway ng Barangay Poblacion 1, Santa Maria, Isabela.  ?

Lumalabas sa imbestigasyon na nag-overtake ang isa pang sasakyan si Lorenzo nang makasalpukan niya ang traysikel sa kabilang linya dakong alas-7:30 ng gabi.? 

Dinakip ng mga nagrespondeng pulis si Lorenzo matapos ang sakuna. ?Sa Solsona, Ilocos Norte; nasawi ang sekyu na si R-Jhay Sanchez, 24, matapos sumalpok sa isang road marker ang minamanehong motorsiklo sa Brgy. San Juan. ?Ayon sa report, nawalan ng kontrol ang biktima sa motorsiklo sanhi upang sumalpok sa naturang marker at masawi noon din.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with