^

Probinsiya

Dalaga, kisay sa mikropono

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Hindi na natapos ng isang dalaga ang kanyang inaawit sa videoke matapos itong masawi makaraang makuryente sa mikroponong hawak niya sa kalagitnaan ng kanyang pagbirit sa Dubinan East, Santiago City, kamakalawa ng gabi. 

Kinilala ng Santiago City Police ang biktima na si Ruth Jeam Sarmiento, 38, isang tindera sa palengke at residente ng nasabing barangay. 

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-10:45 ng gabi, habang kumakantang mag-isa ang biktima gamit ang bagong bili nilang videoke nang bigla itong humiyaw nang malakas na naging dahilan para mabulabog ang kanyang mga kamag-anak na noon ay nasa kuwarto at ang iba ay nasa labas ng bahay. 

Dito na naabutan ang biktima na nagingisay habang hawak ang mikropono ng videoke kung kaya’t agad nilang ibinaba ang main switch ng kuryente para siya’y masaklolohan. 

Sa lakas ng daloy ng kuryente ay ma­ging ang mga kamag-anak na akmang tumulong at humawak sa biktima ay nakaramdam din ng kuryente.  Mabilis naman na isinugod sa pagamutan ang biktima subalit idineklara rin itong dead-on-arrival.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with