^

Probinsiya

2 biyenan pinagtataga ng manugang

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Legazpi City, Albay, Philippines — Kapwa sugatang isinugod sa pagamutan ang isang mag-asawa matapos pagtatagain ng kanilang manugang makaraang makialam sa away nila ng kanyang misis sa Zone 9, Brgy.Poblacion sa bayan ng Pamplona, Cam Sur kamakalawa ng gabi. 

Kinilala ang mga biktimang sina Danilo Casilao, 54-anyos at asawang si Linda Casilao, 46-anyos, kapwa residente ng nasabing barangay. 

Arestado at sinampahan ng kaso ang manugang na suspek na kinilalang si Bernard Cadag, 32-anyos.  Sa police report na nakarating sa Camp Gen. Simeon Ola, dakong alas-10:00 ng gabi, pinuntahan ng mga biktima ang bahay ng kanilang anak at manugang matapos marinig na nagtatalo ang dalawa. 

Gayunman, hindi nagustuhan ng suspek ang saway ng kanyang mga biyenan kaya nagalit ito at kumuha ng itak at pinagtataga ang mga biktima.  Tama sa ulo ang sinapit ni Danilo habang taga naman sa dibdib ang tinamo ni Linda na agad isinugod ng kanilang mga kaanak sa Bicol Medical Center sa Naga City.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with