^

Probinsiya

Ex-parak, tanod dedo sa drug bust

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines — Kapwa nasawi ang isang dating pulis at barangay tanod matapos silang kumasa sa mga miyembro ng pulisya sa kasagsagan ng  drug bust operation sa pakikipagkoordinasyon sa PDEA Region-3 sa magkahiwalay na lugar sa Malolos City kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na nagresulta ng kanilang agarang kamatayan ang mga suspek na sina Roberto “Parak” Cruz-Domingo, 58, ng Brgy. Ulingao, San Rafael, na-dismissed sa pagiging pulis noong 2005, at Jerico “Emong” Pangindian, 27, tanod ng Brgy. San Gabriel, Malolos City.

Sugatan naman sa operasyon ang mga biktimang sina PO2 Adonis Castro at PO1 Nico Marco Gutierrez, kapwa kagawad ng San Rafael Police na nilalapatan ng lunas sa ospital.

Sa unang ulat ni P/Supt. Laurente Aquiot ng San Rafael Police, dakong alas-11:15 ng gabi nang makipagkita ang dalawang nasugatang pulis kay alyas “Parak” upang bumili ng ibinebentang shabu sa naturang lugar. Nang magkaabutan ng pera at droga, sinubukang arestuhin ang dating pulis subalit binunot nito ang nakatagong armas at pinaputukan ang mga operatiba sanhi ng barilan na ikinasawi ng suspek.

Samantala, dakong alas-11:50 ng gabi,  isang poseur bu­yer na pulis ang bumili ng shabu kay alyas Emong sa madilim na bahagi ng Brgy. San Agustin at habang inaabot na ang droga ay nakahalata ang suspek hanggang sa tinangkang paputukan ang mga pulis at nauhan siyang mapabulagta.

Narekober sa dalawang operasyon ang anim na pakete ng shabu, isang 9mm kalibre, isang .38 revolber, mga bala, isang pampasaherong tricycle na Suzuki 110 (CB-15571), iba’t ibang mga identification cards ng tanod at dalawang tig-P500 marked money na ginamit sa magkahiwalay na drug bust.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with