^

Probinsiya

Drug suspect nanlaban, todas

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Legazpi City, Albay  , Philippines  —  Bumulagta noon din ang isang drug suspek matapos itong manlaban sa ginawang search warrant operation ng mga pulis sa kanyang bahay sa Brgy. Manguiring sa bayan ng Calabanga, Camarines Sur noong Huwebes ng tanghali. Sanhi ng mga tinamong tama ng bala ng baril sa iba’t-ibang bahagi ng katawan, ang nasawing biktima ay kinilalang si Russel Padillo Tatel, residente ng nasabing barangay.  Ayon kay Senior Inspector Ma.Luisa Calubaquib, spokesperson ng Camp Gen.Simeon Ola, dakong alas-12:45 ng tanghali nang salakayin ng Calabanga at Cam Sur Police ang bahay ng suspek upang isilbi ang search warrant mula kay Judge Pedro Redona.  Gayunman pumalag si Tatel at bumunot ng baril mula sa kanyang beywang kaya napilitan siyang paputukan ng mga operatiba. Walang nakuhang droga sa ginawang search operation sa loob ng bahay ng suspek pero nakuha naman sa dalang sling bag at kanyang bulsa ang anim na sachet nang hinihinalang shabu.  Narekober din mula kay Tatel ang isang  kalibre .45 na baril at mga bala.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with