Ambush: 2 kawani ng DPWH utas , 2 sugatan!

Sa ulat ng Lamitan City Police Station, ang insidente ay nangyari dakong alas-7:45 ng umaga kahapon. File

Ambush: 2 kawani ng DPWH utas , 2 sugatan!

Rhoderick Beñez at Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 1, 2018 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines — Dalawang kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nasawi matapos na tambangan at paulanan ng bala ang service vehicle ng DPWH na kanilang sinasakyan ng mga teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) sa Barangay Baas, Lamitan City, Basilan kahapon.

Sa ulat ng Lamitan City Police Station, ang insidente ay nangyari dakong alas-7:45 ng umaga kahapon.

Kinilala ni police chief Senior Supt. Nickson Muksan ang mga nasawi na sina Adsar Adjahal Dakis at Abdulbassit Daimon, kapwa mixer operator habang ang mga sugatan ay sina Mittoy Estajal at si Abdul Sarabin na nilalapatan na ng lunas sa ospital.

Nabatid na isa ang dead-on-the-spot sa ambush habang ang isa pang biktima ay binawian ng buhay sa ospital.

Ang apat na biktima ay napag-alamang mga may “job order” ng DPWH na nasa ilalim ng Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon, nagmula ang mga biktima sa kabilang munisipyo ng Ungkaya Pukan sakay ng DPWH truck nang harangin at paulanan ng bala ng mga armadong kalalakihan.

Tinukoy ng mga pulis at militar sa Basilan na kagagawan ng teroristang Abu Sayyaf ang nasabing pananambang dahil sa extortion.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with