^
Pulis itinumba sa inuman

Pulis itinumba sa inuman

Raymund Catindig at Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - January 31, 2018 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —  Itinumba ng riding-in-tandem assassins ang 43-anyos na pulis habang nakikipaglaklakan sa ilang kaibigan sa harapan ng tindahan sa unang gabi ng muling pagbabalik ng Oplan Tokhang sa Barangay District 3, Cauayan City, Isabela noong Lunes.?

Sa police report na nakarating kay P/Supt. Narciso Paragas, hepe ng Cauayan City police station; isa sa dalawang gunmen ang bumaba sa motorsiklo saka niratrat ang biktimang si SPO1 Eduardo Argonza.?

Nagulantang ang mga kainuman ng pulis matapos matalsikan pa ng dugo habang kaswal na bumalik sa motorsiklo ang gunman saka tumakas.?

Idineklarang patay sa ospital si SPO1 Argonza dahil sa tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan. ?

Nabatid na dating intelligence officer ng Cauayan City police si SPO1 Argonza bago ito idinestino sa kalapit bayan ng Luna may limang buwan na ang lumipas.?

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaslang.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with