Lolo, stude tigok sa motorbike crash
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2018 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Sumalubong kay kamatayan ang 17-anyos na estudyante at 82-anyos na lolo sa naganap na aksidente ng motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay Lanna, bayan ng Solana, Cagayan kamakalawa.

Sa police report na nakarating kay P/Senior Insp. Renz Marion Baloran, hepe ng Solana police station, biglang tumawid ang lolong si Saturnino Nicolas nang tiyempong natumbok ng motorsiklong minamaneho ni Mark Aejay Tague, Grade 12 student.?

Sa lakas ng pagkakasalpok ay tumilapon sa ere ang matanda habang kasamang dumausdos ng motorsiklo si Tague at mga kaklaseng sina Joseph Lucina at Vincent Maribbay.? Isinugod ng mga sumaklolo ang mga biktima sa pribadong ospital kung saan idineklarang patay sina Tague at Nicolas.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with