2 tigok, 2 kritikal sa killer bus

Raymund Catindig at Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2018 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Patay ang dalawang drayber habang dalawa naman ang malubhang nasugatan makaraang tumbukin ng rumaragasang pampasaherong bus ang dalawang motorsiklo at traysikel sa kahabaan ng national highway sa Barangay San Andres, Ilagan City, Isabela noong Lunes ng gabi.?

Kinilala ni P/Supt. Ariel Quilang, hepe ng Ilagan City police station ang mga namatay na sina Nerwyn Manuel, 23, ng Brgy. Fuyo; at Dexter Lana, 25, ng Solana, Cagayan.?

Nakiki­pagbuno naman kay kamatayan ang hindi pa kilalang drayber ng traysikel at ang kaangkas ni Lana na si David Lana.?

Ayon sa police report, patungong Maynila ang Dali Liner Bus na minamaneho ni Anthony Ramos, 36, nang salpukin nito ang tatlong sasakyan dakong alas-6 ng gabi.? Isinailalim sa kustodiya ng pulisya si Ramos at ang bus matapos ang insidente.

Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with