2 magsasaka, nilikida
Rhoderick ­Beñez (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2018 - 12:00am

NORTH COTABATO , Philippines  —  Dalawang magsasaka ang napatay sa naganap na magkahiwalay na pamamaril sa bayan ng Carmen, North Cotabato kamakalawa ng gabi. Base sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Julius Malcontento, unang napatay ang biktimang si Roman Bait Tamayo matapos itong ratratin ng hindi kilalang lalaki sa Sitio Linaag, Brgy. Liliongan sa nasa­bing bayan.

Samantala, Patay din ang 50-anyos na lalaki na nakaupo lang sa kanyang motorsiklong nakaparada matapos itong pagbabarilin ng hindi kilalang gunman sa bisinidad ng Datu Dema Daled Street sa Barangay Poblacion. Kinilala ang napatay na si Sammy Sacandal, may asawa at nakatira sa Sitio Sebastian, Brgy. Kibayao. Narekober sa crime scene ang siyam na basyo ng bala ng cal. 9mm pistol.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with