Lolong senglot nalunod
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa sobrang kalasi­ngan, patay  ang 63-anyos na lolo matapos itong mahulog sa balsa habang naglalayag sa karagatan ng Barangay Dolaoan, bayan ng Anda sa Pangasinan kamakalawa  ng gabi. Kinilala ang biktima na si Verbo Callado, mangi­ngisda at nakatira sa nasabing bayan. Sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente sa karagatan ng nasabing lugar bandang alas-7:30 ng gabi. Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang lulan ng balsa ang biktima at ang 14-anyos nitong apong lalaki na kinilalang si John Paul Perez nang aksidenteng mahulog ang matanda. Nabatid na dahil sa sobrang kalasingan ay nawalan ng balanse ang matanda kaya nagtuluy-tuloy itong nahulog sa dagat hanggang sa malunod. Nagawa pang maisugod sa Regional Health Unit ang matanda pero idineklarang patay.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with