Eroplano pa-Davao naantala sa ‘bomb joke’
(Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matinding perwisyo ang inabot ng mga pasahero ng eroplano matapos nagbiro ng “bomb joke” ang isang pasahero sa Davao International Airport noong Martes ng gabi.

Ayon sa ulat, pinababa ang mga pasahero at maging ang kani-kanilang bagahe ay inilabas mula sa eroplano.

Inisa-isa ng mga tauhan ng bomb squad na may bitbit na K9 unit ang loob at labas ng eroplano para masigurong walang bomba.

Ayon kay P/Chief Insp.  Ronel Tesorero, hepe ng DIA Aviation Police Station, may pasaherong babae na nagsabing may bomba daw ang kaniyang bagahe.

Naalarma naman ang mga pasahero kung saan imbes na umalis sa takdang alas-6 ng gabi na flight ay naantala ang mga ito ng tatlong oras.

 “May protocol kami na i-treat seriously itong mga ganito lalo na mataas ang threat ng terrorism sa atin,” pahayag ng opisyal.

Gayunman, pansamantalang hindi muna pina­ngalanan ang suspek subalit ikinulong ito ng  12 oras sa aviation police station.

Subalit pinalaya naman dahil wala pang kasong inihabla laban sa kaniya dahil  kailangan ng affidavit ng complainant at witness.

Nakatakda namang kasuhan ng mga awtoridad ang babaeng nag-bomb joke kapag nakakuha na ng mga affivadit.

Umaabot sa apat na taong pagkakulong at P40,000 multa ang haharapin ng suspek kapag napatunayang lumabag sa Presidential Decree 1727.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with