Encounter: 4 NPA terrorists dedo
Rhoderick ­Beñez (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2018 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines - Apat na teroristang New People's Army (NPA) ang napatay makaraang makasagupa ang tropa ng 28th Infantry Battalion ng Phil. Army sa Sitio Palo 2, Barangay Marayag sa bayan ng Lupon, Davao Oriental noong Martes ng hapon.

Batay sa ulat, nagsasagawa ng combat operation ang militar sa pangunguna ni Lt. Versoza nang maka-engkwentro ang grupo ng NPA bandang alas-2:54 ng hapon.

Narekober sa encounter site ang apat na bangkay ng terorista na wala pang pangkakakilanlan. Bukod sa mga bangkay ay narekober din ang apat na armas at improvised landmine.

Wala namang nasugatan o napatay sa panig ng militar. Nagpapatuloy naman ang clearing operations ng militar.
 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with