^
6 ligtas sa nag-emergency landing na cessna plane
Ang Cessna Plane ng Central Bank of the Philippines habang nakasadsad sa kaliwang bahagi ng runway sa ginagawang Bicol International Airport sa Barangay Alobo, Daraga, Albay. Nawasak ang kanang bahagi ng pakpak at nabali ang unahang gulong.
Jorge Hallare

6 ligtas sa nag-emergency landing na cessna plane

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - January 11, 2018 - 12:00pm

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  —  Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang anim na sakay ng cessna plane ng Central Bank of the Philippines matapos itong mag crash landing sa gilid ng runway sa Bicol International Airport sa Barangay Alobo sa bayan ng Daraga, Albay kahapon ng umaga.

Walang nasaktan sa mga pasahero ng eroplano sa pangunguna ng piloto na si Capt. Jun Flores Pa­ngilinan.

Sa inisyal na ulat na ibinigay ni P/Chief Inspector Arthur Gomez, hepe ng investigation division ng Albay Police, dakong alas-11:30 ng umaga ay napilitang mag-emergency landing ang nabanggit na eroplano na patungong Legazpi City Airport mula sa Metro Manila makaraang bayuhin ng malalakas na hangin sa ere.

Gayunman, sa lakas nang hangin ay nag-over shoot ang eroplano sa kaliwang bahagi ng runway saka sumadsad ng may ilang metro sa lupa.

Tumanggi na umanong magbigay pa ng detalye ang pamunuan ng Central Bank-Legazpi para sa seguridad.

Ayon sa mga nakasaksi na posible umanong may dalang malaking pera ang eroplano dahil tatlong armored vehicle mula sa bangko sentral ang duma­ting at naghakot ng mga laman nito.

BICOL INTERNATIONAL AIRPORT CESSNA PLANE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with