Sabungero inutas sa duyan
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - January 4, 2018 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  — Hindi na nagising ang 38- anyos na sabungero matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen habang natutulog sa duyan sa Purok 1, Barangay Palanog sa bayan ng Camalig, Albay kamakalawa ng gabi. Base sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, nakitulog ang biktimang si Klent Orpiada sa duyan sa sala ng bahay ng mag-asawang Dexter at Jennie Murao nang pasukin at ratratin ng tandem assassins. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na bago ang pamamaril may nakaalitan si Orpiada na dalawang di-kilalang sabungero sa loob ng patupada sa bayan ng Guinobatan. Napag-alamang may ilang residente pa ang napagtanungan ng gunmen kung saan matatagpuan ang biktima. Narekober sa crime scene ang 12 basyo ng bala ng cal. 9mm pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with