8-anyos sumabit sa trak, todas
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 4, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Natigok ang 8-anyos na totoy matapos itong mahulog at magulungan ng truck na kanyang nakatuwaang sumabit sa hulihang bahagi sa kahabaan ng highway sa Interior A, Brgy. Balabac, Baguio City kamakalawa ng hapon. Nagtamo ng matinding sugat sa katawan na nabigo ng maisalba sa Baguio City Emergency Medical Service  ang buhay ng biktimang si Brent Clenuar, Grade 4 pupil sa Adiwang Elementary School at nakatira sa #35-A, Interior A sa nasabing barangay. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nagkatuwaan ang biktima at tatlo nitong kalaro na sumabit sa hulihan ng Isuzu Elf dropside truck (ACL-187)  kung saan sinigawan at pinababa ang mga ito ng driver na si Rodrigo Pajarillo ng Dontogan Green Valley, Baguio City. Gayunman, hindi namalayan ng driver ng trak na muling sumabit ang biktima pero aksidente itong nahulog at nagulungan saka nakaladklad ng truck nang umatras ang sasakyan. Inaresto naman ng mga awtoridad ang driver ng truck at nahaharap sa kasong homicide.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with