Trike bumaliktad: 1 patay, driver kritikal
Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - January 4, 2018 - 12:00am

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya  , Philippines  —  Namatay ang 26-anyos na lalaki habang kritikal naman ang  kasamahan nito matapos bumaliktad ang kanilang traysikel sa kahabaan ng national highway sa Barangay Poblacion West, bayan ng Lamut, Ifugao kamakalawa. Kinilala ang biktima na si Francis Cabigat Maggun, habang nasa kritikal naman na kalagayan ang driver ng trike na si Leomar Anthony  Ollier, 26,  kapwa nakatira sa nasabing bayan. Sa inisyal na ulat ng pulisya, patungo sa bayan ng Lagawe sa kabisera ng Ifugao ang mga biktima nang maganap ang sakuna matapos tumama sa gutter ng highway ang traysikel saka bumaliktad pagsapit sa pataas na bahagi ng kalsada. Agad naman isinugod ang dalawa sa Panopdopan District Hospital subalit idineklarang patay si Maggun. Napag-alaman ng pulisya na nasa impluwensiya ng alak ang dalawa nang mangyari ang insidente.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with