Bunso dedo, kuya kritikal sa pananaksak
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - January 4, 2018 - 12:00am

CAVITE  , Philippines  — Bulagta ang 16-anyos na binatilyo habang kritikal ang kanyang kuya makaraang pagsasaksakin ng nakaalitan sa carwash sa Barangay Malagasang II-A, Imus City, Cavite kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot pa ng buhay sa Our Lady of Pillars Hospital ang biktimang si Gerald Webster Paredes Casio habang ginagamot naman ang kuya  nito na si  Juster Paredes Casio, 18, kapwa nakatira sa Block 5 Lot 1 Phase 1, Greengate Homes sa nasabing lungsod. Naaresto naman ng pulisya ang suspek na si Francis James Rivera Baldo ng Block 6 Lot 2 Phase C Istana Village sa Brgy. Malagasang I-F. Sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, naganap ang krimen sa AJ Billard and Carwash kung saan sumiklab ang mainitang pagtatalo sa pagitan ng suspek at mag-utol na nauwi sa suntukan  hanggang sa maganap ang krimen.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with