Dalagita ni-rape, minartilyo saka isinako ng adik
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 4, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng 17-an­yos na dalagita matapos itong gahasain ay minartilyo pa saka isinako ng hindi kilalang rapist na bangag sa droga sa Cagayan de Oro City noong unang araw ng Bagong Taon.

Kinilala ang biktima na si Jeramae “Sofia” Lumacang, Grade 10 sa Puntod National High School at residente ng Barangay Puntod sa nasabing lungsod.

Sa police report ng Cagayan de Oro City Police na naisumite sa Camp Crame, dakong alas-3:30 ng hapon noong Martes nang iulat sa pulisya ni Brgy. Kagawad Rodel Zurita ang pagkakadiskubre sa bangkay ng biktima sa bakanteng lote sa District 3, San Nicolas Sector sa nasabing lungsod.

Base sa imbestigasyon, nadiskubre ni James Astor, 15, ang bangkay ng biktimang isinako matapos itong umihi sa nasabing lugar.

Kaagad namang ini-re­port ng mga opisyal ng barangay sa Cagayan de Oro City Police Station 5 ang insidente kaya mabilis na rumesponde ang mga operatiba ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pamumuno ni P/Chief Insp. Dieryl Reuyan.

Naka-bra at walang saplot sa ibabang bahagi ng katawan ang biktima na may indikasyong ginahasa muna saka pinatay na posibleng isa hanggang tatlo katao.

Narekober sa crime scene ang martilyo na ginamit sa krimen, ang itinapong duguang panty at kulay itim na short ng biktima.

Positibo namang kinilala ang biktima ng kaniyang pamilya na humihingi ng hustisya sa sinapit ng nasabing estudyante.

Ang dalagita ay noong isang araw pa hinahanap ng kaniyang pamilya matapos itong mabigong umuwi na noong una ay inakalang nakitulog lamang sa isa sa kaniyang mga barkada.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with