2 patay sa landslide dulot ni ‘Agaton’
(Pilipino Star Ngayon) - January 3, 2018 - 10:30am

MANILA, Philippines — Isang senior citizen at isang lalaki ang nasawi dahil sa landslide dulot ng matinding pag-ulan dala ng bagyong “Agaton” sa Cebu.

Nakilala ang mga biktimang sina Flora Matas, 63, at Richie John Rivas Pimentel, 29, kapwa residente ng bayan ng Malabuyoc sa Cebu.

Nanalasa ang unang bagyo ngayong taon sa Visayas at Mindanao na tinamaan din ng bagyong Urduja at Vinta nitong Disyembre.

Kasama ni Matas ang kaniyang asawa at tatlong anak sa kanilang bahay sa Sitio North Suba, Barangay Looc nang gumuho ang lupa bandang 5:30 ng umaga.

Maswerteng nakaligtas ang kaniyang asawa at mga anak.

Inabot naman ng isang oras bago nahukay ang bangkay ni Matas.

Hindi bababa sa limang landfall ang nagawa ni Agaton sa Socorro, Surigao del Norte; Claver, Surigao del Norte; Jagna, Bohol; Santander, Cebu at Bais City, Negros Oriental.

Inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility ang bagyo bukas.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with