Senglot inutas ng kainuman
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - January 3, 2018 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Patay ang 34-anyos na cons­truction worker matapos itong tagain ng kanyang kainuman kaugnay sa matagal na alitan habang nagkakasayahan sa pagsalubong sa Bagong Taon sa Barangay San Marcos sa bayan ng Placer, Masbate kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa leeg ang biktimang si Ernest Munez habang arestado naman ang suspek na si Paterno Lohera, 59, ng Barangay San Marcos sa bayan ng Uson. Sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, dakong alas-10 ng gabi, magkasamang nag-iinuman ang dalawa nang maungkat ang dati nang alitan na humantong sa mainitang pagtatalo na nauwi sa suntukan. Gayunman, nakakuha ng itak ang suspek saka tinaga sa leeg ang biktima. Nahaharap naman sa kasong homicide ang suspek habang nakakulong sa detention cell ng pulisya.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with