2 pulis sinisiyasat sa indiscriminate firing
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - January 3, 2018 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Iniimbistigahan ngayon ang dalawang pulis na nasasangkot sa kasong pamamaril sa mga bayan ng Lal-lo at Enrile sa Cagayan noong Lunes. Kinilala ang sugatang pulis na si PO1 Erick Laforga, 27, matapos magtamo ng tama ng bala sa kaliwang binti sa kanilang bahay sa Barangay San Lorenzo sa bayan ng Lal-lo. Ayon kay P01 Laforga, aksidenteng pumutok ang kanyang baril habang hawak nito pagkagaling sa bahay ng kanyang mga biyenan matapos ang kasiyahan sa pagsalubong sa Bagong Taon. Samantala, itinanggi naman ni PO2 Alvin Anog ang paratang na walang habas siyang nagpaputok sa paghiwalay ng taon base sa text message na ipinarating ng concerned citizen sa kanilang hepe na si P/Senior Insp. Edwin Aragon sa bayan ng Enrile.?Isinuko ni P02 Anog ang kanyang baril at isinailalim sa paraffin test ang sarili upang makumpirma kung totoo nga ang sumbong.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with