2 nilamon ng tubig-alat
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 3, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawa-katao kabilang ang 5-anyos na totoy ang namatay sa naganap na magkahiwalay na pagkalunod sa Zamboanga City noong Lunes. Base  sa police report na nakarating sa Camp Crame, unang nalunod ang 42-anyos na si Wilson Rania sa karagatang sakop ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa RT Lim Boulevard. Sa imbestigasyon, nagkayayaan ang biktima na sinasabing senglot at mga kabarkada nito lumangoy sa dagat nang tangayin ito ng malakas na alon. Samantala, sumunod na nalunod ang  5-anyos na si Mohammad Isa Tala  ng Brgy. Kasanyangan sa nasabing lungsod. Ayon sa pulisya, nalunod ang biktima sa karagatan ng Skyview Resort sa Brgy. San Roque dakong alas-3:10 ng hapon. Nabatid na hindi namalayan ng pamilya ng biktima na napahiwalay ang bata kung saan huli na nang mabatid nilang nalunod ito matapos lumutang ang katawan sa dagat.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with