Tomador humingi ng alak, dinedo
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - January 3, 2018 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines — Napatay ang 50-anyos na rubber tapper na sinasabing nanghingi ng alak matapos itong barilin ng kanyang kainuman sa Sitio Puso, Barangay Sinkatulan sa bayan ng Makilala, North Cotabato noong Lunes ng umaga. Kinilala ni P/Senior Insp. Ronaldo Violon ng Makilala police station, ang napatay na si Bandino Danila, may asawa, ng nasabing barangay. Habang tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Michael Omapas. Base sa police report, nakipag-inuman si Danila sa tatlong iba pa nang nakisuyo ito kay Omapas na bigyan sila ng dagdag na inuming alak. Gayunman, isang litro umano na gasolina ang ibinigay ni Omapas kay Danila kaya nagalit ito hanggang sa nagkainitan ang dalawa. Nag-agawan pa ng baril ang dalawa hanggang sa nabaril ng suspek ang biktima. Mabilis namang tumakas si Omapas na ngayon ay subject na ng manhunt operation ng pulisya.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with