Estudyante nilamon ng dam
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 3, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang 12-anyos na high school student matapos itong malunod sa Magat Dam Reservoir Dam sa Barangay namilangan sa pagsalubong sa unang araw ng 2018 sa bayan ng Alfonso Lista, Ifugao kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktima na si Kurt Bawi Blanker ng Malabon City na nagtungo lamang sa nasabing lugar sa kaniyang mga kamag-anak para magdaos ng Bagong Taon kasama ang kaniyang pamilya. Sa ulat ng Cordillera Police na naisumite sa Camp Crame, nagkatuwaan ang biktima at ang 10-anyos na pinsan nitong si Rowel Linglingon Bawi na maligo sa nasabing dam. Gayunman, napagawi sa malalim na bahagi ng dam ang biktima kaya ito nilamon ng tubig. Nagawa pang maiahon ng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ang katawan ng biktima suba­lit idineklarang patay sa Potia District Hospital.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with