Kawatan sa simbahan dedo sa sikyu
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - January 3, 2018 - 12:00am

QUEZON, Philippines — Napatay ang lalaking nagnakaw ng malaking halaga sa donation box ng simbahan matapos itong mabaril ng sikyu sa pakikipag-agawan ng baril kahapon ng madaling araw sa Barangay San Roque, Tayabas City, Quezon.

Kasalukuyan pang ina­alam ang pangalan ng magnanakaw na walang nakuhang identification card sa katawan maliban na ito ay naka- itim na t-shirt, puting maong na-short at tinatayang nasa 25 hanggang 30-anyos.

Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Rex Gaoiran, chief of police, dakong alauna y medya ng madaling araw ay natuklasan na nakapasok ang suspek sa Minor Basilica Saint Michael Church makaraang umakyat sa likurang pintuan.

Tinungo ng kawatan ang ikalawang palapag ng simbahan saka kinuha ang P12-K sa donation box.

Tiyempo namang nagro-roving ang sikyu na si alyas Magno kaya naabutan ang papatakas na suspek su­balit nagawang makipambuno doon sila saka tinangkang agawin ang cal. 38 revolver ng sikyu.

Aksidenteng pumutok ang baril at tinamaan sa ulo ang magnanakaw.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with