High school student nalunod sa Magat Dam
(Pilipino Star Ngayon) - January 2, 2018 - 4:39pm

MANILA, Philippines — Isang 12-anyos na high school student ang nasawi matapos malunod sa Magat Dam sa Ifugao nitong Bagong Taon.

Nakilal ang biktimang si Kurt Bawi Blanker na residente ng Malabon City.

Kasama ni Blanker ang kaniyang tiyuhin na si Riggie Daleja Bawi, 48, at pinsang si Rowel Linglingon Bawi nang maligo sila sa dam bandang 3:20 ng hapon.

Lumangoy umano ng biktima sa malalim na bahagi nang dike nang malunod.

Hindi na umabot pa nang buhay sa Potia District Hospital ang biktima.

 

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with