Ginang nawalan ng 5 ngipin sa ligaw na bala sa Ilocos Sur
(Pilipino Star Ngayon) - December 29, 2017 - 2:15pm

MANILA, Philippines — Hindi na kumpleto ang ngiti ng isang ginang matapos siyang malagasan ng limang ngipin dahil sa ligaw na balang tumama sa kaniya nitong Pasko.

Sa kabila nito ay maswerte pa rin ang biktimang si 38-anyos na si Fely Joy Paras dahil hindi siya napuruhan.

Nagluluto ng turon si Paras sa kaniyang bahay sa Barangay Ora East sa bayan ng Bantay nang tumama sa kaniya ang laba ng kalibre .45.

Narinig ni Paras ang pagputok ng baril malapit sa kanilang bahay at laking gulat niya nang dumudugo ang kaniyang mukha.

BASAHIN: 2 pulis tiklo sa pagpapaputok ng baril

Tinutugis pa rin ng mga awtoridad ang nagpaputok ng baril.

Nito lamang ay dalawang pulis ang nahuli dahil sa pagpapaputok ng kanilang service firearm.

“There will be no mercy for policemen caught for indiscriminate firing, that is the order of the chief PNP,” sabi ni Director Oscar Albayalde, hepe ng National Capital Region Police Office.

“There is no second chance for this, no mercy for those who will be caught engaging in indiscriminate firing. The directive of the chief PNP is to dismiss them from the service.”

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with