^

SUV vs trike: 2 senglot dedo, 3 kritikal

Raymund Catindig at Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - December 20, 2017 - 4:00pm

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Dalawa-katao na sinasabing lango sa alak ang natigok habang tatlo naman ang nasa kritikal na kalagayan makaraang magsalpukan ang traysikel at Toyota Hilux SUV sa kahabaan ng national highway sa Barangay San Jose, bayan ng Gonzaga, Cagayan noong Martes.?

Sa ulat ni SPO3 Froilan Fariñas, pagewang-gewang ang trike na minamaneho ni Jerick Agbayani bago sinalpok sa kabilang linya ang kasalubong na SUV ng trader na si Demetrio Rabang Jr.?

Sa lakas ng pagkakasalpok ay tumilapon sa ere at nagpagulung gulong sa kalsada si Agbayani at mga pasahero na sina Melchor Pimienta, 47; Gil Agbayani Jr., 47; Lexus Castillo,16; at si Ali Castillo,15.?

Idineklarang patay ang 17-anyos na drayber ng trike na si Agbayani at Pimienta sa Alfonso Ponce Enrile Memorial District Hospital kung saan patawirin ang kanilang mga kasama.

Ayon kay Farinas, pauwi sa bayan ng Sta. Ana ang mga biktima mula sa laklakan nang makasalubong si Kamatayan.

Sumuko sa mga pulis si Rabang na napag-alamang expired na ang driver’s license.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with