Motorcycle rider utas sa gitgitan
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - December 10, 2017 - 4:00pm

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Patay ang motorcycle rider matapos itong tumilapon at humampas sa sementadong kalsada dahil sa nakagitgitang motorsiklo sa kahabaan ng national highway sa Barangay Imalnud sa Legazpi City, Albay kamakalawa ng gabi. Idineklarang patay sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang biktimang si Christopher Ajero ng nasabing barangay. Sa police report na nakara­ting sa Camp Simeon Ola, magkasunod na binabaybay ng motorsiklo (5470-WN) ng biktima at ng hindi nakilalang rider ang highway nang subukan ni Ajero na mag-overtake sa sinusundang motorsiklo. Gayunman, ayon sa mga nakasaksi habang sinusubukang mag-overtake ni Ajero ay biglang ginitgit siya nang sinusundang motorsiklo kaya ito  sumemplang at tumilapon saka humampas sa kalsada.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with