Base sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-4 ng madaling araw ng maganap ang insidente habang binabaybay ng mga biktimang sakay ng bangka ang karagatan. File

5 mangingisda nirapido sa dagat
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 10, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Limang mangingisda ang nasugatan makaraang pagbabarilin ng dalawang miyembro ng Bantay Dagat noong Biyernes sa karagatan ng Barangay Libay sa bayan ng Rizal, Zamboanga del Norte.

Kinilala ni P/Insp. Helen Galvez, hepe ng Public Information Office ng Zamboanga City police ang mga biktimang sina Rolly Cristy Sanbiug, 30; Jonel Tamparong Mangubat, 19; Julius Baguio Napone, 21; Romel Senabre Balase, 23; at si Junjie Mangubat Nano, 25, pawang nakatira  sa Brgy Manla sa bayan ng Sapang Dalaga, Misamis Occidental.

Base sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-4 ng madaling araw ng maganap ang insidente habang binabaybay ng mga biktimang sakay ng bangka ang karagatan.

Napansin ng mga biktima na hinahabol sila ng speed boat na lulan ang mga suspek na sina Jess Balbaquera at Robert Arceno, kapwa  residente ng Barangay Nagca.

Nakita na lamang ng mga biktima si Arceno na namaril kung saan ti­na­maan ang kanilang kasama na si Arnel Lido Floren at nalag­lag sa dagat.

Patuloy naman nagsa­sagawa ng search and res­cue operation ang mga awtoridad para hanapin si Floren.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with